CAUAYAN CITY – Nakataas na sa Red Alert Status ang Office of Civil Defense (OCD) Region 2 kaugnay sa Bagyong Egay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Infomation Officer Sunshine Asuncion ng OCD Region 2 sinabi niya na una na silang nagsagawa ng pre-disaster risk assessment at nagkaroon ng consolidation sa iba’t ibang Local Government Unit (LGUs) upang paghandaan ang magiging epekto ng bagyo.
Ang rekomendasyon ng OCD region 2 katuwang ang bawat Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ay imonitor ang mga naninirahan malapit sa Cagayan River basin dahil sa inaasahang pagbaha sa mga sususnod na araw dahil sa over saturation ng lupa bunsod ng mga nararanasang pag-ulan.
Inabisuhan na rin ang mga LGUs na magsagawa ng pre-emptive at force evacuation sa mga lugar na flood prone areas.
Nagpalabas na rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng storm surge advisory dahil inaasahan na ring magkakaroon ng tatlong metrong taas ng alon sa mga baybayin kaya inaalerto ang mga residente sa tabing dagat partikular sa coastal areas na lumikas na sa mas ligtas na lugar.
Nakapreposition na rin ang 81,591 food items kasama na ang mga dati nang nasa LGUs at Department of Social Welfare and Development (DSWD).