LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ngayon ang biyahe sa Matnog Port sa Sorsogon kaya paunti-unti ng nababawasan ang mga sasakyang stranded na ng ilang araw.
Ayon kay Matnog Port Manager Achilles Galindes sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tinatayang nasa 500 na light vehicles at humigit-kumulang na 200 na mga trucks ang average na naiba-biyahe bawat araw patungong Visayas asin Minadanao.
Subalit aminado ang opisyal na nagkakaroon ng problema pagdating sa departure mula sa Visayas kaya natatagalang makabalik sa Matnog ang mga barko sa dahil naghihintay pa ang mga ito ng kanilang karga.
Dahil dito, nanawagan na ang Office of the civil Defense sa Region 8 na i-hold na muna ang biyahe ng mga sasakyan partungo sa Visasyas at Mindanao.
Sa kasalukuyan wala pa ring pormal na komunikasyon kung saan papatigilin ang mga sasakyang papuntuang Maynila.
Sa kabila nito, itiniyak ni Galindes na hindi tititgil ang biyahe sa nasabing pantalan upang tuluyang nang maubos ang mga stranded nasasakyaan sa Matnog Port.