Matapos ang kamakailangang malawakang pagbaha na nagresulta sa pagkasawi ng nasa higit 30 katao, binigyang diin ng Office of Civil Defense ang kahalagahan ng pagbuo ng comprehensive plan para maibsan ang mga pagbaha at kakulangan ng tubig sa bansa.
Ito umano ang nakikitang tugon ni OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno, sa labis na epekto ng mga pagbaha at sa epekto na rin ng El Niño sa sektor ng Agrikultura.
Ani Nepomuceno, kinakailangan lang na nakabatay sa science ang naturang plano
na maaaring saklawin ang 18 major river basins sa bansa.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng malalaking dam para sa flood control, levee system, irrigation canals, catch basins, relocation, landslide preventions alarm systems and safety protocols, at reforestation.
Batay sa pinakabagong advisory ng state weather bureau, ang bansa ay nasa La Niña Alert status, may 70% tsansa na mabuo ito mula Agosto hanggang Oktubre at posibleng magpatuloy hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.