-- Advertisements --

Hinimok ng pamunuan ng Office of the Civil Defence ang publiko na iwasan muna ang pagbyahe sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Marce lalo na kung hindi naman kinakailangang.

Ayon sa ahensya , maraming kalsada ang unpassable pa rin dahil sa pinasalang natamo nito mula sa pananalasa ng bagyo.

Ito ay batay na rin sa report na isinumite ng Department of Public Works and Highways.

Tinukoy ng OCD ang ruta mula San Vicente hanggang Nakanmuan sa Sabtang, Batanes maging ang daan mula Junction hanggang Sta. Margarita Bolos Road sa Gattaran, Cagayan na napinsala ng mga pag-ulang dala ng bagyo.

Kaugnay nito ay isinara na rin kaninang umaga ang bahagi ng Manila North Road sa Pagudpud, Ilocos Norte para pansamantalang maiwasan ng mga motorista ng malayo sa disgrasya.