-- Advertisements --

Matapos ang naging pananalasa ng Super Typhoon Leon sa ilang lugar sa Luzon, tiniyak ng Office of the Civil Defense na maghahatid sila ng agarang tulong sa mga residente sa Cagayan Valley at lalawigan ng Batanes.

Ayon kay OCD Region 2 Director Leon Rafael, labis na naapektuhan ng bagyong Leon ang mga nabanggit na mga lugar.

Kabilang sa matinding naapektuhan ay mga kabahayan lalo na ang mga pananim sa naturang mga rehiyon.

Patuloy naman ang pakikipag coordinate ng kanilang ahensya sa lokal na pamahalaan ng Batanes upang matukoy kung gaano kalawak ang epekto ng bagyo sa naturang lalawigan.

Iniulat rin ng ahensya na sa ngayon ay humupa na ang baha sa Cagayan Valley at maayos na ang lagay ng panahon.