-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Mark Cirunay, Operations Section Chief ng Office of the Civil Defense XI, na ang dahilan ng nangyaring magnitude 6.1 na lindol sa Davao de Oro noong Pebrero 1 ay ang paggalaw ng Philippine Fault.

Ang Philippine Fault ay may point of origin sa Mati City, Davao Oriental, at tatawid ito mula Davao de Oro hangggang Northern Luzon.

Sa kabilang banda naman, ibinunyag ng opisyal na mayroong apat na segments ang fault line ng Davao de Oro na binubuo ng East Compostela, Central Compostela, West Compostela at Nabunturan segment.

Kasalukuyang nagsasagawa ng assessment ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOLCS kung aling fault line ang gumalaw noong kasagsagan ng lindol.

Ngunit ayon sa inisyal na pag-aaral, hinhinala ng mga eksperto na nagsimula ito sa East Compostela Segment ng Philippine Fault na matatagpuan sa Davao de Oro.

Tinututukan din sa pag-aaral ng tanggapan batay sa kanilang analysis na baka isang local fault line lamang ang gumalaw dahil hindi ito sumentro sa faultline partikular na sa East Compostela segment ng Philippine Fault.

@