-- Advertisements --

Idineklara na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na special non-working day ang Oktubre 30, 2023 sa buong bansa.

Ang nasabing araw kasi ay kasabay ng gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Nakapaloob ang deklarasyon sa Proclamation 359 at may petsang Oktubre 9, 2023.

Sinabi ng pangulo na kaya niya idineklara ang non-working holiday ay para makaboto ang lahat ng mga Filipino.