Maaring bumaba pa sa 2,000 ang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa OCTA Research group.
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average ng bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 4,848 mula Oktubre 20 hanggang 26.
Mas mababa ito kumpara sa 6,909 average cases mula Oktubre 13 hanggang 19.
Sinabi ni David sa isang tweet na ang huling beses na umabot sa ganito kababa ang 7-day average ay noong Marso 12 hanggang 18 nang maitala ang 4,848 average cases.
Ang latest projection ng OCTA Research ay mas mababa kaysa 6,000 cases per day na kanilang nauna nang inasahan para sa Nobyembre.
Ayon sa Department of Health, ang bansa ngayon ay nakabalik na sa low risk status para sa COVID-19.
Pero babala ng kagawaran sa publiko na huwag magpakampante at patuloy pa ring sumunod sa health protocols.