-- Advertisements --
Nagbabala ang OCTA Research Group ng pagtaas ng kaso sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Guido David ng OCTA Research na kadalasan tuwing tumaas ang kaso sa National Capital Region (NCR) ay nagkakaroon rin ng pagtaas sa ibang rehiyon.
Dagdag pa nito na parang alon sa dagat na napupunta sa ibang lugar ang pagtaas subalit ito ay bumabalik din sa NCR.
Mapuputol lamang aniya ang cycle ng infection kapag marami na sa populasyon ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.