-- Advertisements --

Hinikayat ng OCTA Research na dapat maturukan na ng COVID-19 vaccine ang mga kalahati ng populasyon ng Metro Manila at anim na ibang lugar para agad na makamit ang herd containment.

Noong nakaraang linggo kasi ay ipinaliwanag ng ilang eksperto na makakamit ang her contaiment kapag ang attack rate ay bumaba ng 1 sa 100,000 o katumbas ng 45 hanggang 50 percent na ang nabakunahan na.

Kabilang sa mga lugar na dapat damihan ang pagpapabakuna ang Tuguegarao, Santiago, Cainta, Imus, Baguio at Cebu City.

Suhestiyon din ng grupo na dapat sundin ang vaccination allocation sa bawat rehiyon gaya sa National Capital Region na mayroong 40-45%, Calabarzon na mayroon 15-20%, Central Luzon na mayroong 10%, Central Visayas na mayroong 6% at Western Visayas na mayroon 4%.