-- Advertisements --

Nanawagan ang OCTA Research Group na magpatupad na ang gobyerno ng paghihigpit dahil sa posibilidad na pagtaas ng kaso muli ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.

Hindi rin dapat balewalahin ang pagtaas ng coronavirus infections sa Metro Manila dahil sa posibleng dulot na ito ng mas nakakahawang Delta variant.

Ayon sa naturang independent group hindi aniya sapat ang kasalukuyang general community quarantine status without restriction at kailangan na ipatupad ay ang mas mahigpit na quarantine status o restrictions sa NCR.

Ang tama at sapat na intervention kabilang ang lockdown na samahan pa ng pinalawig na testing at contact tracing ang dapat ipatupad ng gobyerno.

Nauna nang inamin ng Department of Health na nagtala na sila ng local transmission ng Delta variant.

Sa pinakabagong pagtukoy ng DOH meron na namang 12 bagong kaso na nahawa ng Delta variant sa bansa.