-- Advertisements --
Ibinigyang halaga ang OCTA Research ang pagpapatupad ng lockdown para hindi na dumami pa ang kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Sinabi ni OCTA researcher Ranjit Rye na isang uri ng anticipatory, preventive at circuit-breaking lockdowns ang ipapatupad.
Nararapat na ipatupad na ito ng gobyerno habang hindi pa gaano kalaki ang kaso at maiwasan ang karagdagang hawaan.
Kahit na dalawang linggo niya ay mapapababa ang kaso at masasalba pa ang ekonomiya.
Mabilis aniya dapat na gumalaw ang gobyerno dahil kapag ito ay nagkaroon ng malawak na pagkalat ay baka mawalan na ng kontrol ang gobyerno sa epidemic.