LEGAZPI CITY – Nagpahayag ng rekomendasyon ang OCTA research group sa pamahalaan para sa posibleng solusyon upang makontrol ang pagkalat ng mga bagong variants ng coronavirus disease.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, maaaring gayan ng Pilipinas ng ilang minimum health protocols ng ibang bansa para sa mga international travelers.
Gaya na lamang pagsasailalim sa 14 hanggang 21 days quarantine kahit pa negatibo sa COVID-19 test result.
Sa pamamagitan aniya nito matitiyak na wala ng dala-dalang sakit ang mga biyahero.
Matatandaang niluwagan na ng gobyerno ang mga travel restrictions, kung saan kasabay rin nito ang muling paglobo ng COVID-19 cases.
Naniniwala kasi si David na ang pagkalat ng mga bagong variants ng COVID-19 ay dahil sa mga pumapasok na biyahero sa bansa.