Kinontra ng grupo ng OCTA research group ang projections ng Department of Health (DOH) na baka abutin ng 22,000 kada araw ang mga kaso ng COVID-19 sa pilipinas pagsapit ng katapusan ng buwan ng Hulyo.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, wala silang nakikita na pagtaas ng naturang bilang mga kaso sa Pilipinas.
Ito aniya ay batay na rin umano sa eksperyensya ng ibang mga bansa kaugnay sa pagkalat ng Omicron BA.4 at ang BA.5 variant ng COVID-19.
Nilinaw naman ng DOH na ang kanilang projections na aabot sa mahigit 22,000 ang daily tally sa mga mahahasa sa virus ay kung hindi susunod ang publiko sa pandemic protocols.
Una nang ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang kanilang projections ay batay sa FASSSTER o ang Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance Using Spatio-Temporal Epidemiological Modeler For Early Detection of Diseases.
Sinasabi raw ng FASSSTER analysis na ang mga kaso ay maaring sa pagitan ng 12,451 at 17,05 kung hindi masusunod ang public compliance sa minimum health standards.
Una nang tumaas ang COVID-19 positivity rate nationwide sa 4.1 percent.
Ang naturang datos ay kaparehas noong nakalipas na buwan ng Marso.
Sa kabila nito wala umanong dapat ipag-alala dahil nananatiling nasa less that one case per 100,000 na popolasyon ang average daily attack rate.