-- Advertisements --

Inirekomenda ni OCTA research chief Guido David ang muling pagpapatupad muli ng liquor ban sa Metro Manila kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay bilang proactive measures.

Hindi na rin dapat hintayan na mapuno ang mga hospital beds sakaling tuluyang tumaas muli ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dapat aniya na unahin na ang nasabing pagtaas ng bilang at ng hindi na umabot pa sa kritikal na level.

Magugunitang ibinunyag ng OCTA na ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila ay 1:66.

Mayroon din 250 percent ang naitalang pagtaa ng kaso ng COVID-19 noong nakaraang buwan.