Naglabas ang OCTA Research group ng resulta ng latest Tugon ng Masa survey na isinagawa mula Abril 22 hnaggang 25.
Nananatiling nangunguna si Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential race noong nakalipas na buwan na nakakuha ng 585 preference votes mula sa 2,400 sample size na may ±2% margin of error..
Sa latest results, bahagyang bumaba ang preference votes kay Marcos Jr. na nasa 57% na naitala noong April 2 hanggang 6 survey ng OCTA.
Pumangalawa si VP Leni Robredo na may 25% preference vote, tumaas ito ng 3% mula sa dating 22% na naitala noong nakalipas na survey.
Pumangatlo sa survey si Manila City Mayor Isko Moreno na may 8% mula sa dating 9% preference vote, Senator Manny Pacquiao may 5% (mula sa 7%), at Senator Panfilo Lacson may 2% (mula sa 4%).
Mayroon namang 1% vote preference kay Faisal Mangondato at tig- 0.2% sina former Defense Secretary Norberto Gonzales at labor leader Leody De Guzman.