Kasado na sa Biyernes, September 6, ang ocular inspection ng Senado sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City.
Bukod sa ikakasang ocular inspection, magsasagawa rin ng pagdinig ang Senate Committees on Justice and Human Rights at Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa naging operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa KOJC compound.
Una nang umapela si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pakinggan ang hinaing ng mga residente ng Davao City na apektado ng pagsilbi ng warrant of arrest laban sa puganteng si Apollo Quiboloy.
Valid din para sa Department of Justice (DOJ) ang ikinakasang operasyon ng Philippine National Police (PNP) upang isilbi ang warrant of arrest laban sa puganteng si Apollo Quiboloy.