Wala umanong inaasahan ang PASAGA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) na panibagong bagyo na mabubuo sa susunod na limang araw.
Nangangahulugan ito na tila huling bagyo na si “Odette” ngayong 2021.
Sa latest bulletin ng ahensya, maliit na tiyansa lamang na may mabuong bagyo sa natitirang araw bago sumapit ang 2022 at mangingibabaw ang pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan sa bansa.
Ito ang magdudulot ng malamig na klima partikular sa malaking bahagi ng Luzon.
Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang katamtamang temperatura pero may pagkakataon din ang kalat-kalat na pag-ulan.
“Light to moderate winds coming from the northeast will prevail and the coastal waters along these areas will be slight to moderate,” nakaasad pa sa forecast ng PAGASA weather specialist na si Benison Estareja.
Nabatid na halos 400 katao na ang iniwang patay ng Bagyong Odette matapos mag-landfall sa Visayas at Mindanao ngayong buwan.