-- Advertisements --
Muling nag-landfall sa ikaapat na beses ang bagyong Ofel.
Ayon sa PAGASA, nag-landfall ito sa Torrijos, Marinduque dakong 7:45 nitong Miyerkules ng gabi.
Nakita ang sentro nito sa 55 kilometers Northeast ng Calapan City, Oriental Mindoro.
May dalang lakas na hangin na 45 kilometers per hour at pagbugso na 55 kph.
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar: Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Quezon, Metro Manila, Bataan, Calamian Islands, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, western portion ng Camarines Sur, (Cabusao, Libmanan, Pamplona, Pasacao, Sipocot, Lupi, Ragay, Del Gallego), at Burias Island.
Makakaranas naman ng pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.