-- Advertisements --

Nananatiling mapaminsala ang typhoon Ofel kahit bahagyang nabawasan ang taglay na lakas ng hanging dala nito.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Gonzaga, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 165 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 275 km/h.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 km/h.

Signal No.4:
Babuyan Island at ang hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Gonzaga, Santa Ana, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira)

Signal No. 3:
Batanes, ang natitirang bahagi ng Cagayan, ang hilagang bahagi ng Isabela (San Pablo, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Maconacon, Delfin Albano), ang hilagang bahagi ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao), at ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg)

Signal No. 2:
Kanluran at silangang bahagi ng Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Lungsod ng Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, San Mariano, Palanan, Lungsod ng Ilagan, Divilacan, Dinapigue), ang natitirang bahagi ng Apayao, Kalinga, ang hilagang-silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), ang silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis), at ang natitirang bahagi ng Ilocos Norte.

Signal No. 1:
Natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, ang hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Ambaguio, Solano, Bayombong, Quezon, Bagabag, Diadi, Villaverde, Dupax del Norte, Bambang), ang natitirang bahagi ng Mountain Province, ang natitirang bahagi ng Ifugao, ang natitirang bahagi ng Abra, ang hilagang bahagi ng Benguet (Mankayan, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias), Ilocos Sur, ang hilagang bahagi ng La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, Balaoan), at ang hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Dipaculao).