GENERAL SANTOS CITY – Muling iginiit ni Jorie Mae Balmediano, ang spokesperson ng Office of Civil Defense (OCD) 12 ang kahalagahan ng pagsasagawa ng earthquake drill.
Ayon rito, batay sa assessment ng kada Local Disaster Risk Reduction and Management Office sa buong Soccsksargen nabatid na walang ‘significant damages’ na nairekord na dulot ng 6.4 magnitude na lindol kagabi.
Maliban lang sa dalawang malaking mall sa Gensan kung saan nagkaroon ng maliit lamang na mga bitak ngunit hindi naman umano ito delikado.
Aniya wala ring naitala na nasugatan o casualty matapos ang malakas na lindol.
Batay naman sa mga videos na nakita lalo na sa mga malls kung saan kalmado ang mga tawo sa kasagsagan ng pagyanig at dahan dahang nag-evacuate palabas ng mall.
Sinabi ni Balmediano na magandang indikasyon ito na natututo na ang publiko na kung mayroong lindol ay hindi dapat magpanic kung saan ito ang itinuturo sa mga isinasagawang quarterly earthquake drill sa bansa.
Kaninang umaga ng magdeploy ng response team ang OCD-12 sa kada lugar upang magsagawa ng damage assessment .