-- Advertisements --
Target ngayon ng Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation na ibalik ang kanilang Batang Busog Malusog program ngayong pagsisimula ng pasukan para sa SY-2024-2025.
Ito ang kinumpirma ni Sec. Larry Gadon sa isang panayam ngayong araw.
Ayon sa kalihim, dadalhin nila itong muli sa ilang paaralan sa bansa bilang tulong sa mga naghihikahos na mag-aaral.
Kung maaalala, naudlot ang pagpapatupad ng programa matapos ang angioplasty operation ng kalihim.
Bukod dito ay nagkaroon narin ng bakasyon ang mga mag-aaral.
Patuloy rin aniya ang kanilang koordinasyon kay DepEd Sec. Sonny Angara para sa pagpapatupad nito.