-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tuloy-tuloy ang ayudang ibinibigay ng City Government ng Kidapawan sa pamamagitan ng Office of the City Agriculturist o OCA para sa mga maliliit na magsasaka sa Lungsod ng Kidapawan.

Katunayan, ay abot sa 220 Muscovy ducks (200 female, 20 male) ang ipinamahagi ng OCA sa 20 farmer recipients na pawang mga miyembro ng Barangay Junction Farmers Association habang abot naman sa 30 na mga kambing (20 female, 10 male) ang naibigay sa 10 farmers recipients mula sa Barangay Sto. Nino Farmers Association.

Sinabi ni City Agriculturist Marissa Aton na sa pamamagitan ng Dept of Agriculture – Special Area for Agricultural Development o DA-SAAD at maayos na koordinasyon ng OCA ay naging posible ang distribusyon ng naturang mga alagang hayop para sa mga qualified beneficiaries.

Layon nito na mapalakas ang hanay ng mga maliliit na livestock at poultry raisers at sa kabuuan ay mapanatili ang mahusay na food sustainability and sufficiency ng lungsod, dagdag pa ni Aton.

Sumailalim naman sa screening ng mga barangay officials ng Junction at Sto. Nino at ng OCA ang mga recipients bago sila tuluyang nabigyan ng mga alagang hayop.

Kabilang sa mga nakabiyaya ng Muscovy ducks ay sina Floriza Restauro, Adam Libag, at Pideon Sumin ng Barangay Junction habang ilan naman sa nakatanggap ng kambing ay sina Marissa Fuentes, Nestor Lacno, at Josefina, Precillas na pawang mga taga Barangay Sto. Nino.

Kaugnay nito kapwa pinasalamatan nina Barangay Junction Chairman Cristutu Sarigumba at Barangay Sto. Nino Chairman Albert Espina at maging ni Sto. Nino Farmers Association President Patricia Bunayog ang OCA, DA-SAAD, at lalo na si Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista sa patuloy na pagbibigay ng ibayong pansin sa kapakanan ng mga maliliit na magsasaka.

Sa kabilang dako, nagpapatuloy naman ngayon ang ginagawang organic farms validation ng OCA at ang preparasyon para sa pagsali ng abot sa pitong mga young farmers mula sa lungsod sa Kabataang Agripreneur Agri-Business Contest ng agriculture department.