-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Pinuri Binigyang-puri ni Joriemae Balmediano, tagapagsalita ng Office of Civil Defense o OCD Region 12 ang mga mamamayan na nakilahok sa 4th quarterly national simultaneous earthquake drill.

Mahalaga anya ang earthquake drill upang malaman ng mga tao kung ano ang gagawin kapag may lindol, lalo na kapag malakas ang pagyanig ng lupa.

Idinagdag nito na ang bawat 4th quarter earthquake drill ay nakatuon sa tsunami drill activity.

Ito ay dahil kung may lindol na nagmumula sa trench o sa dagat, malaki ang posibilidad na magkaroon ng tsunami.

Ayon sa kanya, mahalagang seryosohin ang earthquake drill upang magkaroon ng sapat na impormasyon at makaiwas sa posibleng epekto ng sakuna.