-- Advertisements --

Binatikos ni Atty. Dino De Leon ang Office of the Ombudsman dahil sa bigo nilang paglabas ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa social media post ni De Leon, ipinakita nito ang sulat mula sa Ombudsman na tumatangging ilabas ang SALN ng pangulo.

Itinuro ni Ombudsman Samuel Maritires ang Memorandum Circular 1 na nagsasaad na tanging ang tao na lamang ang personal na kukuha ng sarili nitong SALN at dapat ay mayroon itong court order.

Kasama ni De Leon na humingi sa Ombudsman ng SALN ng pangulo ang kapwa abogado nito na sina Atty. Josef Leroi Garcia at Teddy Rigorso base na rin sa kahilingan ni Senator Leila De Lima bilang bahagi ng Freedom of Information.