-- Advertisements --
image 156

Nilinaw ng Office of the Presidential Adviser on Creative Communications (OPACC) na ang branding campaign ng Pilipinas ay hindi layong i-promote ang tourist destinations.

Paliwanag ni Presidential Adviser on Creative Communications chief Paul Soriano inilunsad ang branding campaign ng Pilipinas na ‘We give the World Our best- The Philippines para maitaas ng pangalan at reputasyon ng mga Pilipino sa buong mundo at mabigyan sila ng pagpupugay.

At isa sa unang communication outputs ng naturang proyekto ay ang bus advertisement sa London kung saan tampok ang Pinay-British nurse na si May Parsons, ang kauna-unahang nagturok ng bakuna kontra COVID-19 sa buong mundo.

Ayon pa sa ahensiya, inilabas ang naturang ad kasabay ng koronasyon ni King Charles III sa London kung san maraming international crown ang nagtipun-tipon para dumalo sa makasaysayang event.

Subalit na-misinterpret aniya ang London ad bilang bahagi ng tourism promotion campaign ng Pilipinas.

Maliban pa dito, sa naturang campaign kaparehong videos din ang iprinisenta sa ibang bansa kung saan ipinapakita ang kwento ng buhay ng isang Filipino caregiver sa United kingdom at isang barista sa Italy.

Ibinunyag din ng ahensiya na naghahanda itong maglabas ng kaparehong campaign videos sa ibang mga bansa gaya ng Amerika at sa Middle Eastern cities para palakasin ang imahe ng overseas filipino workers o magkaroon ng sariling pangalan sa overseas