Nanawagan ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Kongreso na ipasa ang mga panukalang batas na magpapabilis sa pagkansela ng pekeng birth certificates ng mga dayuhan at ang kumpiskasyon ng mga ari-ariang iligal nilang nakuha.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, inatasan ng Kongreso ang OSG na kanselahin ang mga pekeng dokumento at kumpiskahin ang mga ari-arian kasunod ng imbestigasyon ng quad committee ng House of Representatives hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Gayunpaman, inamin ni Guevarra na matrabaho at magastos ang proseso kung dadaan sa korte. Babala niya, Kapag nakuha nila ang Filipino citizenship, maaari silang tumakbo sa eleksyon at makabili ng pribadong ari-arian.
Hinikayat din niya ang Kongreso na ipasa agad ang isang espesyal na batas na tututok sa ‘civil forfeiture’ o pagkumpiska ng mga ari-ariang iligal na nakuha ng mga dayuhan. Sa kasalukuyan, ginagamit umano ng Office of the Solicitor General (OSG) ang Anti-Money Laundering Act (AMLA) para sa mga naturang kaso.