-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang posisyon si Office of Transportation Secretary (OTS) Ma.O Aplasca.

Kasunod ito sa mga talamak na nagaganap na nakawan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang pagbibitiw din ng kalihim ay isang araw matapos na nanawagan si House Speaker Martin Romualdez nitong Lunes bago talakayin ng House of Representatives ang proposed budget ng OTS.

Nakasaad sa kaniyang resignation letter na ang nagpasya na itong magbitiw sa puwesto dahil umano sa naging pahayag ni Rep. Romualdez na kung hindi ito magbibitiw ay haharangin personal ng mambabatas ang budget ng ahensiya.

Dagdag pa ni Aplasca na isang karangalan na magbiitw na lang sa puwesto kaysa maisakripisyo ang organisasyon.

Muling iginiit ng opisyal na wala itong kinalaman sa mga anumang nangyayaring katiwalian sa paliparan at siya pa umano ang lumalaban sa mga nagaganap na kurapsyon.

Magugunitang sinuspendi na ang ilang personnel ng OTS dahil umano sa pagnanakaw at paglunok nito ng $300 na pera ng isang pasahero sa NAIA Terminal 1 noong Setyembre 8 habang noong Pebrero 22 ay naaktuhan ang screening personnel na nagnakaw ng pera mula sa Thai passenger.