-- Advertisements --

LA UNION – Mahigpit ang ipinatupad na seguridad sa pagdating nitong Huwebes ang mga selyadong official ballots na gagamitin sa nalalapit na May 13 elections para sa buong lalawigan ng La Union.

Dadalhin ang naturang mga balota sa Provincial Treasury Office (PTO).

Ang mga dumating na official ballots ay selyado, walang sira, nakatatak ang COMELEC seal at nakalagay na rin ang 19 na bayan at isang lungsod na pagdadalhan, at wasto ang bilang ng mga ito.

Sinabi ni Provincial Election Supervisor Alipio Castillo, wala pang petsa kung kailan ang distribution ng mga official ballot patungo sa 19 na mga bayan at isang lungsod, ngunit gagawin nila ito sa pinakamadaling panahon.