Inilabas na ng organizers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 ang official entries ngayong taon.
Ipapalabas ang mga ito sa iba’t-ibang sinehan sa bansa mula Disyembre 25, 2021 hanggang Enero 8, 2022.
Hindi gaya noong 2020 na mayroong 10 pelikula ang nakapasok ngayong taon ay ginawang walo lamang.
Ang mga pelikula na kalahok ay kinabibilangan ng “A Hard Day” na isang action drama na gawa ni Lawrence Fajardo at pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at John Arcilla.
Kasama rin ang comedy movie na “Big Night” na gawa ng direktor na si Jun Robles Lana na pinagbibidahan ni Christian Bables at John Arcilla, “Huling Ulan Sa Tag-Araw” na pinagbibidahan ni Rita Daniela at Ken Chan na isang romance comedy na gawa ni Louie Ignacio.
Nakapasok din ang horro trilogy na “Huwag Kang Lalabas” na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Jameson Blake, Beauty Gonzalez at Aiko Melendez na gawa ng director na si Adolf Alix Jr sinundan ng isang pelikulang drama na “Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather si Fine” na sgawa ng director na si Carlo Francisco Manatad at pinagbibidahan ni Charo Santos-Concio at Daniel Padilla.
Kasama ring nakapasok ang romance comedy na “Love At First Stream” na gawa ng director na si Cathy Garcia-Molina at pinagbibidahan nina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniella Stranner at Anthony Jennings.
Pasok din ang suspense drama na “Nelia” na isang suspense drama na gawa ni Lester Dimaranan na pinagbibidahan nina Winwyn Marquez at Raymond Bagatsing at ang comedy horror na “The Exorsis” na gawa ni Fifth Solomon at pinagbibidahan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.
Ang mga hindi nakasamang pelikula ay kinabibilangan ng “Ang Huling Birheng Bakla sa Balat Lupa”, “Caught In The Act”, “Deception”, “Huling Hibla”, “Ilocano Defenders 2: War on Rape”, “Katips”, “Kuta”, “Mudrasta”, “My September’s Lover”, “The Entitled” at “To Russia With Love”.