-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ng Davao City LGU na na-hack ang official fb page ng Davao City Transport and Traffic Management Office o CTTMO.

Una ng ikinagulat ng mga Dabawenyo ang lumabas na mga post ng official fb page ng CTTMO, dahil sa lahip kasi na traffic update ay nagmistulang porn site ang naturang socia media account ng traffic enforcer nitong Lungsod.

Sa ngayon ay naglabas na ang lokal na pamahalaan ng abiso sa mga dabawenyo na wag na lamang bigyang pansin ang mensahe, links o online posts ng naturang page.

Patuloy anya ang pakikipagtulungan ng CTTMO sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang maibalik na sa kanila ang kontrol at access ng naturang socmed account.