Inamin ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na may ilang opisyal ng pamahalaan ang tila nagpapakalma sa kanilang mga hakbang sa Canada, kaugnay ng pagbabalik doon ng tone-toneladang basura.
Sa kaniyang dating mensahe, sinabi ni Locsin na may mga nagpupumilit manatiling maganda ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Canada, kapalit ng pagsalungat sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at pananatili dito ng nasa 1,500 tonelada ng basura.
Tumanggi naman si Locsin na pangalanan ang nasabing mga personalidad.
“I am having problems with fellow officials hungry emigrate to Canada so want to keep friendly relations at the expense of defying Duterte and keeping Canadian garbage here. If our officials had done something about it, Canadian garbage would have been long returned to sender,” wika ni Locsin sa kaniyang Twitter post.
Ngayong araw, tatapusin ang lahat ng preparasyon para sa shipment pabalik ng Canada sa 69 container vans na puno ng basura.
Ang sariling deadline dito ng Pilipinas ay hanggang bukas, Mayo 30, 2019.