LAOAG CITY – Hindi napigilan ng isang ina na nagtatrabaho sa Saudi Arabia ang kanyang luha sa pagkamatay ng kanyang idolo na si NBA legend Kobe Bryant kasama ang anak na si Gianna Marie matapos bumagsak ang sinakyang helicopter sa California.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Mrs. Babylyn Tugade Viloria, tubong Ilocos Sur, at OFW sa nasabing bansa, hindi na nakatulog matapos malaman na namatay na ang kanyang idolo.
Naalala rin niya na noong ipinanganak nito ang pangalawang anak na si Kobei Bryan dahil sa labis na idolo ng kanyang dating kinakasama na mahilig sa larong basketball.
Naging idolo na rin niya ang NBA legend dahil sa galing nito sa paglalaro ng basketball.
Hiling nito na ipagdasal na lamang ng mga fans ang pagpanaw ni Bryant.