-- Advertisements --
image 320

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang isang babaeng Overseas Filipino Worker na patungo sana sa Jeddah upang magtrabaho bilang household service worker.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang pinay OFW ay nabiktima umano ng isang unscrupulous agency matapos itong magpakita ng mga dokumento na nagsasabing siya ay 24 years old.

Paliwanag ng opisyal, hindi tugma ang kilos ng sa kanyang edad at malinaw aniya na mas bata pa eto kasya sa idineklara nitong edad.

Nagpakita rin aniya ng pasaporte at working visa ang biktima ngunit natuklasan ng mga personahe ng Bureau of Immigration na peke ang Birth Certificate nito.

Batay sa kasalukuyang patakaran, hindi pwede magtrabaho sa Middle East kapag ang edad ay mas mababa sa 24 taong gulang.

Ibinahagi ni Tansingco na ang biktima, na ang biktima ay nagmula sa Sultan Kudarat at hindi ito marunong magsulat at magbasa.

Naniniwala rin ang opisyal na inabuso ito ng kanyang mga recruiter para mapapayag ito sa plano.

Posible aniyang nasa 20 taong gulang lamang ang totoong edad ng biktima at possible ring menor de edad ito.

Aniya,ito ay malinaw na isang uri ng trafficking na umaabuso sa mga kahinaan ng mga kabataan.

Ang biktima ay nakatakda namang isangguni sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa posibleng tulong at paghahabol sa kanyang mga recruiter.