GENERAL SANTOS CITY- Hindi nakaligtas sa epekto ng 2019 coronavirus disease(COVID) ang overseas Filipino Worker(OFW) nang mag-exit sa China at pumunta sa Thailand.
Ayon kay Bombo international correspondent Jong Segismundo, isang musician/guitarist, nang mawalan ito ng trabaho sa Tianjin, China matapos na nagsara ang tinatrabahuan dahil sa pagpapatupad ng lockdown dahil sa covid 19 ay nakadesisyon na hanapin ang swerte sa Phuket Thailand.
Nakapagtrabaho man pagdating ng Phuket ngunit tumagal lamang ng isang buwan dahil noong March 18 ay ipinatigil na ni Thailand Prime minister Prayut Chan-o-cha ang lahat ng mga entertainment upang maiwasan ang pagkalat ng covid 19 kayat apektado rin sila sa sitwasyon.
Sisimula bukas ang pagpapatupad ng curfew sa Thailand na magsisimula alas 7:00 ng gabi hanggang alas 7:00 ng umaga.
Dahil dito ‘totally closed’ ang mall, bars at iba pang establisiemento ngunit hindi sa mga restaurants na may delivery services upang makontrola ang virus.
Dagdag pa ni Segismundo, mas doble pa ang gagawin niining pag-iingat ngayong dahil mas marami umano ang mga nakikita nitong foreigner sa Thailand kumpara sa China.
At inihayag nito na puno ang eroplano na kanilang sinakyan na patungong Thailand kung saan karamihan nito ay mga Chinese.
Sa data, may mahigit 1,400 na ang kaso sa covid 19 sa Thailand at 4 ang namatay.