Aprubado na sa komite ng Kamara ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang pagamutan na tutugon sa pangangailangang medikal ng mga overseas Filipino workers (OFW).
Nagpasalamat ang may-akda ng House Bill 9194 na si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang mga kapwa kongresista na nauna ng sumubok na itulak ang panukala.
“I thank everybody for saying that my bill should be the primary bill. I don’t want to do that. If Strike Revilla’s bill is acceptable in principle subject to certain amendments that the agencies felt should be put in, then go ahead. So I would like to identify myself with the bill of Congressman Strike Revilla,†ani House Speaker Arroyo sa kanyang sponsorship statement.
Nauna nang ipinanukala nina Cavite Rep. Strike Revilla, San Jose Del Monte City Rep. Florida Robles at Cagayan de Oro Rep. Maximo Rodriguez Jr. ang pagtatayo ng OFW hospital.
Kamakailan nang pasinayaan ng kongresista at ilang opisyal ng gobyerno ang groundbreaking ng ospital sa lupang donasyon ni Pampanga Gov. Lilia Pineda sa Department of Health.
Ayon kay Arroyo, tugon ito ng Kamara sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Labor Day na magkaroon pa ng maraming batas para sa mga manggagawa.
“Of course we already have the ENDO (bill) which is in the Senate but we felt there should be another appropriate bill that we can file on the occasion of May 1, Labor Day.â€
Sa ilalim ng panukala, target na bigyan ng komprehensibong health care service ang mga OFW na contributors ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang kanilang mga dependents.
Magsisilbi ring primary referral hospital ng repatriated OFWs na mangangailangan ng medical assistance ang proyekto sakaling maisabatas ang panukala.