Nakauwi na sa Pilipinas ang isang Pinay overseas worker mula sa Lebanon na nakaranas ng pisikal na pang-aabuso at matinding banta sa kaniyang buhay ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Dumating sa bansa ang Pinay OFW kasama ang kanyang 3 mga anak noong Hunyo 2 ayon sa PH embassy sa Lebanon.
Una rito, nakipagsapalaran ang Pinay OFW sa Lebanon noong 2010 at ikinasal sa isang Lebanese noong 2012.
Subalit sa panahon ng pandemya, nakaranas ito ng pang-aabuso ang banta sa kaniyang buhay matapos mawalan ng trabaho ang kaniyang asawa.
Dito na nagpasaklolo ang Pinay OFW sa embahada ng Pilipinas para sa repatriation.
Sa ngayon, hindi pa rin ibinababa ng gobyerno ng PH ang Alert Level 3 o voluntary repatriation sa Lebanon mula noong October 21 dahil sa umiigting na tensyon a southern border ng naturang bansa.
Nasa kabuuang distresses Filipinos naman na ang na-repatriate mula Lebanon.