KALIBO, Aklan – Pawang pasasalamat ang pahayag ng isang overseas Filipino worker (OFW) matapos na ligtas na nakauwi sa bansa sa tulong ng Bombo Radyo Kalibo.
Si Aljen Beltran ng Brgy. Libas, Banga, Aklan ay nakaranas ng pagmamaltrato umano ng kanyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia.
Si Beltran ay nangibang bansa noong 2018.
Ayon kay Beltran, maliban sa pinagseselosan at pinagmamalupitan ng babaeng amo, dinadala siya sa ibang bahay upang maglinis tuwing weekend at atrasadong ibinibigay sa kanya ang kanyang suweldo.
Nakulong din daw siya nang magpahayag ng kagustuhang bumalik sa kanyang agency.
Subalit kahit ang agency na inakala niyang makakatulong sa kanya ay mas pang kinakampihan ang kanyang mga employer.
Dahil sa karanasan ng OFW, dumulog sa Bombo Radyo ang kanyang ama na si Enrique Beltran na agad namang tinulungan ng Overseas Workers Welfare Office (OWWA) Region 6.