LEGAZPI CITY- Nanindigan ang Oversease Filipino Worker (OFW) na COVID-19 patient sa Catanduanes na legal at hindi peke ang mga dala niyang dokumento sa pag-uwi sa lalawigan.
Ayun kay San Miguel Mayor Francisco Camano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nanindigan ang pasyent na mismong ang mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang nagbigay sa kanya ng quarantine certificate ng matapos niya ang pagsasailalim sa quarantine bago umuwi ng Bicol.
Kaugnay nito, nanawagan ang alkalde na unahin at bigyang pansin muna ang recovery ng pasyente at saka na imbestigahan kung legal ang mga dokumento nito sa oras na gumaling na.
Sa kasalukuyan, nanatili pa rin sa Rural Health Unit si Bicol patient#82 at patuloy na nagpapagaling sa tulong ng mga municipal health workers.
Samantala, nakatalaan muli itong kunan ng swab samples matapos ang tatlong araw para malaman kung positibo pa sa virus o tuluyan ng gumaling.