-- Advertisements --
Batobalonos 9

COTABATO CITY – Personal na nagpaabot ng pasasalamat si Marites Batobalonos sa Star FM Cotabato at sa Bombo Radyo Koronadal, matapos na matagumpay na makauwi na ito sa Pilipinas.

Si Marites Batobalonos ay isang OFW sa Doha, Quatar na tubong Brgy. Macaguiling Sultan Kudarat, Maguindanao na inilagay sa jail facility ng kanyang amo noong Hulyo 30 ng kasalukuyang taon, matapos magpumilit na umuwi na ng bansa, ngunit hindi ito pinayagang makauwi ng kanyang amo dahil mahal umano ang plane ticket.

Sa ngayon ay matiwasay na ito nakauwi ng bansa, matapos ang walang humpay na panawagan ng mga himpilan ng Bombo Radyo Philippines sa mga kinauukulan.

“Thank you sa Bombo Radyo Koronadal kay Bombo Bing at sa Star FM Cotabato na nag initiate na macontact ang agency ko at ang OWWA, maraming maraming salamat po,” ani Batobalonos.

Isa lamang si Batobalonos sa mga natulungang OFW ng Bombo Radyo Philippines na makabalik ng bansa matapos makaranas ng pagmamaltrato ng kanilang mga amo sa ibang bansa.