-- Advertisements --

Matapos ang dalawang buwan na paghahanap sa isang Pinay Overseas Filipino Workers sa Kuwait, natagpuan na ng mga otoridad ang bangkay nito sa loob mismo ng bakuran ng kanyang amo.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Dafnie Nacalaban.

Ayon sa kapatid ng biktima, plano sana ng kanyang kapatid na umuwi sa Pilipinas noong Disyembre 2024 para isurpresa ang kanyang pamilya.

Sinabi pa ng kapatid ng biktima na wala naman itong nababanggit na problema sa kanyang amo noong huli nila itong nakausap noong buwang ng Mayo.

Matapos na mawala ang kontak sa kanyang kapatid, siya na mismo ang lumapit sa mga otoridad para matulungan ito sa paghahanap.

Posible rin aniya na binalak mismo ng amo nito na itago ang buong pangyayari.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega nadakip na ang suspect sa naturang lugar.

Nabatid na dati na itong may kriminal na record habang mahaharap naman ito sa kasong pagpatay.