-- Advertisements --
Pumalo na sa 11,149 ang mga overseas Filipinos na nadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Foreign Affairs, umaabot na sa 7,199 ang gumaling habang mayroong 3,138 ang kasalukuyang nagpapagaling.
Nangunguna ang Middle East/ Africa sa may pinakamataas na kaso na mayroong 7,364 na may 4,540 ang gumaling at 529 naman ang nasawi.
Sinundan ito ng Europe na mayroong 1,214 na mga Filipino ang nadapuan ng COVID-19 na mayroong 951 na gumaling at 95 ang nasawi.