-- Advertisements --

Hindi umano bakunado sa COVID-19 ang ikatlong returning overseas Filipino na nagpositibo sa Omicron variant na nakapasok sa Pilipinas.

Sa ginawang paglilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergerie, ang 36-year-old returning overseas Filipino (ROF) ay nagmula sa Qatar at dumating sa bansa noong Nobyembre 28 via Qatar Airways Flight number QR 924.

Siya ay na-quarantine sa Cebu sa pagdating at nagpositibo noong Disyembre 5.

Pagkatapos ay inilipat siya sa isolation facility.

Nanatiling nakahiwalay ang ROF hanggang Disyembre 16 at umuwi noong Disyembre 17 sa Cavite.

Sinabi ni Vergeire na lumabas ang kanyang buong resulta ng genome sequencing noong Disyembre 18.

Siya ay ini-relocate at muling isinailalim sa swab at nagnegatibo na sa pagsusuri noong Disyembre 19.

Tiniyak naman ni Vergerie na nagsagawa na sila ng contact tracing sa mga pasahero sa Qatar Airways flight number QR 924 noong Nobyembre 28.

Pero ayon sa DOH ang tatlong nagkaroon ng close contact sa naturang OFW ay negatibo na rin sa virus.