BUTUAN CITY – Tahimik na simula pa kahapon ang Israel matapos ang sunod-sunod na drone at missile attacks ng Iran nitong nakalipas na Linggo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Rey Borromeo, taga-Digos City, Davao del Sur, nagtatrabaho siya bilang caregiver sa Be’er Sheba, sa Negev Region kungsaan naka-station ang mga artillery at mga eroplanong pandigma ng Israel kung kaya’t dinig na dinig niya ang mga lumilipad na mga eroplano at mga missiles na parang nasa likuran lamang umano niya.
Nang uma-atake na ang Iran, ay wala na umano silang tulog dahil kaagad silang nagtatago sa bomb shelter upang maka-iwas sa mga debris ng nai-intercept na mga drones at missiles dahil delikado pa rin ito sa kanilang buhay.