-- Advertisements --

Mayroon pang nasa 6,500 na mga overseas Filipino workers (OFW) na nakabalik na sa bansa ang nananatili pa rin sa 125 hotels para makumpleto ang kanilang quarantine.

Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na “manageable” pa naman ang nasabing bilang kumpara oong nakaraan na mayroong mahigit 10,000 ang nananatili sa quarantine.

Bawat hotels ay mayroong nakatalagang hanggang tatlong house parents na siyang nangangasiwa ng mga pangangailangan ng mga OFW.

Bukod pa dito ay mayroong mga nurses at mga midwifes para matignan ang kalusugan ng mga OFW na nasa lugar.

Dagdag pa ni Cacdac na ang P6.2 billion budget para sa hotel, transportation at food expenses ng mga returning OFW sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act ay maaari ng maubos hanggang katapusan ng Abril at Mayo.