-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Isang 37 anyos na babae at residente ng barangay Cabulay, Santiago City ang panibagong naitalang COVID 19 patient sa Lunsod.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamahalaang Lungsod ay kinumpirma nila ang panibagong positibong kaso ng COVID19 .

Ang COVID 19 positive patient ay isang Overseas Filipino Worker na galing sa Hongkong na dumating sa bansa noong July 11, 2020.

Ang pasyente ay dumating sa Lunsod ng Santiago noong July 16, 2020 sa pamamagitan ng bus na inilaan ng tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Idiniretso sa quarantine facility ng LGU ang nasabing babae na isinailalim sa swab test noong July 20, 2020 na positibo ang kinalabasan.

Nananatiling asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVID19 ang naturang pasyente.

Batay sa talaan ng Santiago City Health Office, dalawang COVID 19 positive ang ginagamot ngayon sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) habang apat ang naitalang clinically recovered at 10 na ang naitalang recovered.