-- Advertisements --

Nakipagpulong si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa mga opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang tugunan ang learning gaps sa ICT.

Kabilang sa tinalakay ay “Courses for Literacy in Internet and Computer Knowledge” o CLICK Project.

Layon nitong itaas ang kaalaman ng mga Pilipino sa digital skills.

Target din nitong mapunan ang nawala sa mga estudyante dahil sa dalawang taong virtual schooling bunsod ng Covid-19 pandemic.

Binigyang-diin ni Representative Magsino na mahalaga na may alam ang mga pinoy laban sa cyber threats and cyber safety.

Siniguro din ng OFW Party list ang iba pang mga proyekto katuwang ang ibat ibang ahensya ng pamahalaan upang isulong ang programa at proyekto na pakikinabangan ng mga OFWs at ng kanilang pamilya.

Samantala, isinusulong din ng mambabatas ang financial literacy para sa mga OFWs.

Dahil sa lifestyle inflation, overspending at sobrang utang kaya hindi natutupad ang mga pangarap ng isang OFW.