-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tinutugis na ang isang mister na pumatay sa kanyang misis na isang OFW sa Dipusu,San Mariano.

Ang biktima ay si Mylene Baingan ,34 anyos, residente ng san Francisco Benito Soliven Isabela habang ang suspek ay ang asawang si Melchor Baingan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Frediemir Quitevis, ng San Mariano Police Station, sinabi niya na kauuwi ng biktima mula sa Saudi Arabia kahapon ngunit sa halip na dumiretso sa kanilang bahay sa Benito Soliven ay tumuloy sa bahay ng kaniyang mga magulang sa Dipusu, San Mariano.

Nanindigan siyang makipaghiwalay na sa kanyang mister nang sunduin siya para umuwi sa kanilang bahay sa Benito Soliven.

May hinanakit umano ang ginang sa kanyang mister dahil nilustay ang mga perang ipinapadala para sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

Natagpuang duguan si Mylene Baingan sa loob ng kaniyang kwarto na may saksak sa leeg na sanhi ng kanyang pagkamatay

Nakita ng ina ng biktima na tumatakbong palayo ang asawa nito matapos ang pangyayari.