-- Advertisements --

Tumaas pa ang halaga ng ipinapadalang remittances mula sa mga Filipino na nasa ibang bansa.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nitong nakalipas na Mayo ay nakapagtala sila ng 13.1 percent na pagtaas.

May katumbas ito ng $2.32 billion mula sa dating $2.106 billion noong nakaraang 2020 sa parehas na buwan.

Mayroong 16.2 percent ang pagtaas sa mga land-based remittances at 2.7 percent naman sa sea-based remittances.

Nanguna ang mga OFW sa US, Malaysia, South Korea, Singapore at Canada sa mga bansa na mayroong pagtaas ng remittances.