-- Advertisements --
Tumaas ang remittances ng overseas Filipino workers (OFW) ngayong taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umabot sa $2.96 billion o 7.7 percent na mas mataas noong nakaraang unang 10 buwan na mayroon lamang $2.75-B.
Ang nasabing halaga ay siyang pinakamataas noong Disyembre 2018.
Itinuturing na ang U.S. pa rin ang may pinakamataas na remittance na sinundan ng Saudi Arabia, Singapore, Japan, United Arab Emirates, the United Kingdom, Canada, Germany, Hong Kong at Kuwait.